Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tingnan Ang Buhay Ngayon Ng BFF Ni Shan Cai Sa Teleseryeng Meteor Garden Na Si Xiao Yu

Taong 2001 ng umere at palabas ng ABS-CBN channel 2 ang Taiwan series na “Meteor Garden” sa ating mga telebisyon, kung saan ito ay pinagbibidahan ng Taiwaneses male group na “F4” at ng isang Taiwanese female star. Ito rin ang kauna-unahan at orihinal na Meteor Garden na inilabas sa telebisyon, bago pa man nga nagsulputan ang iba’t ibang mga bersyon nito, mula sa iba’t ibang mga bansa.

Ang grupong F4 ay binubuo ng mga Taiwanese stars na sina Jerry Yan, Vick Zou, Vanness Wu at Ken Chu. Ang female Taiwanese star naman na kasama sa grupo ng F4 na bumida sa “Meteor Garden” ay si Barbie Sue, o nakilala ng marami bilang si Shan Cai.

Samantala, dahil na rin sa talagang napakaganda at talagang tumatak sa maraming mga Pinoy ang nakakakilig na serye na “Meteor Garden”, ay hindi lang ang mga bidang karakter nito ang ating natatandaan. Dahil maging ang ilan sa mga supporting actress at actor na napabilang sa nasabing serye noon ay talaga namang hindi basta-basta nalimutan ng mga manonood.

At isa na nga rito ang Taiwanese actress na si Rainie Yang, o mas kilala ng marami sa “Meteor Garden” series bilang si Xiao Yu na BFF ni Shan Cai (Barbie Sue), na ang karakter ay isang “very supportive” na kaibigan. Matatandaan rin na si Xiao Yu ay ang na naging love interest ng karakter ni Ken Chu.

Ilang taon na nga rin ang lumipas mula ng maging sikat at popular ang orihinal na “Meteor Garden” series na ito mula sa bansang Taiwan, kaya naman marami sa atin ang nais malaman kung ano na nga ba ang nangyari sa mga naging “cast” nito, kagaya na lamang ni Xiao Yu o Rainie Yang.

Ayon nga sa mga naging ulat, tungkol sa buhay ni Xiao Yu o Rainie Yang, ay matapos umano nito mapabilang sa seryeng “Meteor Garden”, ay nag tuloy-tuloy ang magandang takbo ng karera nito bilang isang Taiwanese star.

Ngayon nga ay hindi lang kilala si Rainie Yang bilang isang aktres, dahil kilala na rin ito bilang isang host at singer. At ayon pa nga rito, ay ilang mga kanta na ang kanyang nai-release.“I have nine albums so far, and the first thing that I think about is the hairstyle I’m having for it.”

Ang hit-series nga na Meteor Garden, ang naging daan ni Rainie Yang upang mas lalo siyang makilala at maging sikat bilang isang actress. At kahit hindi man siya bumida sa nasabing serye, ay doon naman nakita ang kanyang angking husay sa pag-arte, at pagganap ng karakter na ibinibigay sa kanya.

Samantala, makikita naman sa mga larawan ngayon ni Rainie Yang, na mas lalo pa nga ito naging “blooming” at mas naging kaakit-akit sa mata ng mga netizens, dahil sa mas lalo siyang gumanda.
Ngayon nga ay maraming mga proyekto ang pumapasok sa career ni Rainie Yang, at ayon pa sa kanya, ay may ilang mga pelikula na rin siyang pinagbibidahan.

Marami naman ang mga tagahanga ng orihinal na Meteor Garden, ang natuwa ng malaman na ngayon ay maganda at maayos ang karera at buhay ng Taiwanese star na si Rainie Yang. At mas marami rin ang naging tagahanga nito, lalo na ngayon na mas gumanda pa ang naturang dalaga.



Tingnan Ang Buhay Ngayon Ng BFF Ni Shan Cai Sa Teleseryeng Meteor Garden Na Si Xiao Yu
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments