Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Wendell Ramos Mayroong Anak Na Dalaga Na Artistahin Ang Kagandahan

dahil sa isa siya sa mga aktor na may gwapong mukha at matipunong pangangatawan, kundi dahil din sa kanyang angking husay sa pag-arte.Taong 1995 ng magsimula ang karera ni Wendell Ramos sa showbiz industry, ito ay ng maging bahagi siya isa sa mga programa ng GMA Network, ang “Bubble Gang.”

Dahil sa kanyang pagkakaroon ng gwapong mukha, ay itinuturing din si Wendell bilang isa sa mga matinee idol ng kanyang henerasyon sa showbiz, kaya naman ilan din sa mga magagandang aktres sa industriya ay naka-loveteam niya.

Ilan lamang sa mga aktres na nakatambal ni Wendell sa ilang mga pelikula o serye, ay si Ara Mina, at Dianna Zubiri.Ngunit alam niyo ba, na maliban sa pagiging isang aktor ni Wendell, ay isa rin itong ama ng kanyang mga anak?

Si Wendell ay mayroong dalawang anak na lalaki sa dati niyang karelasyon, at ito ay sina Wendell Savior at Dedell Savior. Samantala, maliban sa dalawang anak niya na ito, ay may isa pang anak si Wendell, at ito ay si Tanya Nicole Ramos.

Si Tanya Nicole Ramos ay ang nag-iisang anak na babae ni Wendell Ramos, at ito ay anak niya sa kanya ng asawa ngayon na si Kukai Ramos. Buwan ng Disyembre taong 2006 ng ipanganak si Tanya kaya naman ngayon ito ay 14-taong gulang na.

Makikita nga sa nagdadalagang anak ni Wendell na si Tanya, na napakagandang dilag nito at tunay na namana niya sa kanyang mga magulang ang ganda ng lahi ng mga ito.“Love of My Life”, ito naman ang turing ni Wendell sa kanyang nag-iisang anak na babae, dahil talagang napaka-espesyal ng tingin niya dito bilang unica hija niya.

Sa mga larawan ng mag-amang Tanya at Wendell, ay makikita ang pagiging malapit ng mga ito sa isa’t isa, at kapag ito nga ay ngumingiti ay mas nagiging kahawig pa nito lalo ang kanyang ama.
Marami naman ang napapansin, na sa taglay na angking ganda ni Tanya Nicole, ay hindi magiging posible na ito ang isa sa mga maging potensyal niya na makapasok sa industriya ng showbiz, kung dumating man na pasukin niya ang karera na pareho sa kanyang ama.



Wendell Ramos Mayroong Anak Na Dalaga Na Artistahin Ang Kagandahan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments