Happily, inlove ngayon ang aktor na si Aaron Villaflor sa kanyang napakagandang girlfriend, na talaga namang nagbigay ng saya at kulay sa buhay pag-ibig niya.Nakalakihan na natin ang kasabihan na “Basta gwapo, magpapaiyak lang yan ng babae”, ngunit pinatunayan ni Aaron Villaflor, na sa kabila ng pagiging gwapo niya, ay tapat siya magmahal sa babaeng kanyang minamahal at karelasyon.
Samantala, kamakailan nga lamang ay ipinakilala na ng aktor sa publiko ang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso ngayon, at siyang nagbigay ng kulay at saya sa kanyang buhay pag-ibig.Makikita nga sa Instagram account ng aktor, ang naging proud niyang pagbabahagi ng mga larawan nila ng kanyang nobya, na kinilala ngang si Ms. Chinatown, Camille Buenaventura.
Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang naging caption niya na;“No words can define; how happy I am right now.”Ayon nga sa aktor, nakikita niya na sa edad niyang 29 ngayon, ay mga limang taon na lang ang lilipas at siya’y handa ng ikasal sa babaeng kanyang minamahal, upang bumuo ng isang pamilya, at magkaroon ng mga anak.
Matatandaan naman na bago pa man ang relasyon ngayon ni Aaron, ay mayroong mga aktres na na-link sa kanya.Noon nga ay minsan ng inamin ng aktor, na siya ay nagkagusto kay Dawn Chang, ngunit ang nararamdaman niya para rito ay hindi naman humantong sa punto na ito ay kanyang niligawan.
Nagkaroon din umano sila ng specials na pagkakaibigan ng aktres na si Yeng Santos, ng sila ay magsama sa proyektong ALL OF ME ng ABS-CBN noon. Ngunit ito naman ay hindi nauwi sa tinatawag nating“mutual understanding stage”.“Kulang na lang label. Parang kami na parang hindi”, ang naging pag-decribe ni Aaron sa samahan nila noon ni Yen.
Halos 8-taon na rin ang nakalipas ng ligawan ng aktor ang aktres na si Jasmine Curtis – Smith, ngunit dahil sa nagdesisyon ang aktres na bumalik sa Australia, ay nagdesisyon na lamang si Aaron na kalimutan ang nararamdaman niya para rito. Na-link din noon si Aaron kay Barbie Imperial, ngunit nilinaw naman niya na sila ng aktres ay magkaibigan lamang.
Kilalanin Ang Mala Artistang Kagandahan Na Girlfriend Ng AKtor Na Si Aaron Villaflor
Source: Viral Pinas News






0 Comments