Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalanin Ang Panganay At Napakagwapong Anak Ni Niňo Muhlach

Noong dekada ’90 ay isa ang aktor na si Niňo Muhlach sa mga naging pinaka-popular na child star sa mundo ng showbiz. Ang kanyang angking husay sa pag-arte at pagiging isang bibong bata, ang talaga namang kinagiliwan sa kanya ng publiko noon.

Hindi naman maikakaila na sa mundo ng showbiz, ang mga kilala nating artista na nagdadala ng apelyidong Muhlach ay sadya namang mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhan, at isa na nga sa mga ito ay si Niňo at ang kanyang pinsang si Aga Muhlach.

At dahil nga nasa dugo na talaga ng mga Muhlach ang pagkakaroon ng gwapo at artistahing lahi, ayhindi magiging kataka-taka, na ang naging mga anak ni Niňo ay nag-gagwapuhan din.
Si Niňo Muhlach, ay mayroong dalawang anak na lalaki. Una sa mga ito ay ang kanyang naging anak sa kanyang dating asawang si Edith Millare, na si Zandro, na ngayon ay binata na sa edad nitong 19-taong gulang. At ang ikalawa nga niyang anak, ay ang anak niya kay Diane Tupaz na si Alonzo, na sumunod naman sa yapak ni Niňo sa pag-aartista.

Samantala, kung si Alonzo nga ay namulat sa mundong kinabibilangan ng kanyang ama (showbiz), ay malayo naman ang naging buhay dito ni Zandro, dahil ito ay lumaki sa simpleng buhay.Matatandaan na noong bata pa si Zandro, ay nasisilayan natin siya sa ilang TV commercial at ilang mga guesting sa telebisyon, ngunit sa katagalan habang siya’y lumalaki, ay mas pinili na nitong bigyan ng pokus ang kanyang pag-aaral, at mamuhay ng normal na malayo sa buhay ng mga sikat na artista.

At nito nga lamang nakaraan ay nai-ulat na nagtapos na sa kanyang senior high scool ang panganay na anak ni Niňo na si Zandro. At upang bigyang gantimpala ang naging kasipagan ng kanyang anak sa pag-aaral nito, at bilang regalo na rin para sa kaarawan nito, ay isang regalo ang inihandog ni Niňo kay Zandro.

Kamakailan nga lamang ay naging tampok sa vlog ng CelebPinas ang naging surpresang regalo ni Niňo sa kanyang panganay na anak na si Zandro, kung saan ito nga ay isang mamahakin at magarang sasakyan.

Mapapanood nga sa video, na habang kumakain ng kanyang almusal si Zandro, ay may iniabot na isang maliit na kahon si Niňo, kung saan ang nilalaman pala nito ay ang keychain na regalo nito. Inakala naman ni Zandro, na ordinaryong keychain lamang ang regalo ng kanyang ama sa kanya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ay nasa keychain na rin pala ang susi ng isang magara at bagong sasakyan na regalo nito sa kanya, para sa kanyang naging pagtatapos sa senior high, at para na rin sa kanyang kaarawan.

Makikita naman ang naging maagap na pagbaba ni Zandro, upang makita ang regalo sa kanya ng kanyang amang aktor, at laking tuwa at saya niya ng bumungad sa kanya ang isang napakaganda at napakagarang puting sasakyan.

Labis naman ang naging pasasalamat ng 19-taong gulang na anak ni Niňo, sa kanyang ama sa napakagandang regalo na ibinigay nito sa kanya.Ayon sa binata, ay talaga namang napakasaya niya dahil may magagamit na siyang sariling sasakyan sa pagpasok niya sa kolehiyo.

Wala mang interes na pumasok sa industriya ng showbiz si Zandro, tulad ng kanyang ama at kapatid, ay tiyak naman na magiging matagumpay ito sa landas na nais niyang tahakin sa kanyang buhay, dahil sa ipinapakita nitong determinasyon sa kanyang pag-aaral.



Kilalanin Ang Panganay At Napakagwapong Anak Ni Niňo Muhlach
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments