Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Proud Sa Pagiging Isang Zumba Instructor Ngayon Ang Dating Hinangaan Aktor Na Si Wowed de Guzman

Nang mapa salitang yumao na ang asawa ng actor-dancer na si Wowie de Guzman, ay marami sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at tagahanga ang nakisimpatya, lalo na nga’t naiwan sa nabalong aktor, ang responsibilidad sa pangangalaga sa kanilang nag-iisang anak na babae na si Raff.

Hindi nga naman madali ang magpalaki at bumuhay ng anak, lalo pa nga kung ikaw ay nag-iisa na lamang sa buhay upang gawin ito. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-iisa sa buhay, dahil sa naging maagang pagkawala ng kanyang asawa, ay pinatunayan ng aktor na si Wowie de Guzman, na kaya niyang itaguyod at palakihin mag-isa ang kanyang anak.

Sa kabila ng hindi madali ang responsibilidad na naiwan sa kanya, ay buong pagsisikap at pagmamahal niyang ginagampanan ang pagiging isang ama at ina sa anak niyang si Raff.Matatandaan na si Wowie de Guzman, ay nakilala bilang isa sa mga naging miyembro ng sikat na dance group noon na Universal Dance Group (UMD). Maliban sa pagiging isang mananayaw, ay sumabak rin siya sa pagiging isang artista, kung saan siya ay kilala sa pagiging isang aktor.

Marami ang humanga sa kanya ng ipakita niya sa madla, ang kanyang husay sa pag-arte, lalo na ng naging katambal niya ang aktres na su Judy Ann Santos sa teleserye noon na “Mara Clara.”
Taong 2000 ng nagdesisyon si Wowee na iwanan ang mundo ng showbiz, at mas pinili nga ng aktor na mag-pokus sa pag-arte sa teatro.

Nagkaroon ng mga offer kay Wowee na bumalik sa telebisyon noong panahon na siya’y mayroon ng pamilya. Ngunit dahil sa naging traumatic sa kanya ang nangyari sa kanyang asawa ay mas pinili niya na tanggihan ang mga ito, at mas bigyan ng oras ang pag-aalaga sa kanyang anak.

Malayo man sa kanyang karera noon bilang isang aktor, ay proud at masayang ibinahagi ni Wowie de Guzman sa publiko na ngayon ay abala siya sa pagiging isang Zumba instructor.Ang Zumba ay isang uri ng ehersisyo, kung saan ang mga kalahok nito ay nakakapag-ehersisyo at pinagpapawisan sa pamamagitan ng pagsasayaw. Sa career niya ngang ito ngayon, ay ginagamit pa rin ng dating aktor, ang kanyang galing sa pagiging isang mananayaw.

Samantala, sa naging panayam kay Wowee ng One Music PH, ay sinabi nito na kailanman ay hindi sumagi sa kanyang isip na siya ay magiging isang Zumba dancer. Ito ay dahil sa kabila ng kaalaman niya sa pagsasayaw, ay hindi naman umano siya sanay na magturo ng sayaw sa harap ng maraming tao.
“Nung una, hindi ko siya pinapansin kasi nai-intimidate ako because hindi ako sanay na magturo ng one hour. Sayaw lang ako”, ang naging pahayag ni Wowee.

Ayon nga kay Wowee, na-appreciate niya ang kagandahan ng Zumba, ng siya ay makumbidahan na dumalo sa isang Zumba Event.“Pero nung nainvite na ako sa Zumba events, akala ko mahirap, nakita ko ganun din pala. It’s just that nagsasayaw ka lang, simple lang, hindi kailangan na mahirap”, dagdag pa ng dating aktor. Taong 2017 ng magsimula si Wowie de Guzman sa kanyang bagong trabaho, at ito nga ay ang pagiging isang Zumba instructor.



Proud Sa Pagiging Isang Zumba Instructor Ngayon Ang Dating Hinangaan Aktor Na Si Wowed de Guzman
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments