Ang 42-taong gulang na si Aristo “Aries” Dimaunahan kilala bilang dating Professional Basketball player ng PBA, kung saan siya ay huling naglaro bilang manlalaro ng San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League. Siya ay tubong Lipa, Batangas, at kilala ngayon bilang head coach na, ng PBA Black Water Elite.
Sa kabila ng naging pagre-retiro na ni Aries Dimaunahan bilang manlalaro ng basketball, ay mayroong panibagong basketball player ang usap-usapan online, dahil sa kanyang dala-dala ang apelyidong “Dimaunahan.”
Ang umusbong ngang bituin na ito sa larangan ng basketball na isang Dimaunahan, ay ang isa sa mga dalagang anak ni Aries na si Christiana Gabrielle Dimaunahan, na ngayon ay manlalaro ng University of Santo Tomas Growling Tigresses.
Sa angking husay ni Christiana sa paglalaro ng basketball, ay tinaguriang siya bilang “hoop destroyer”, at talagang mahusay ang kanyang shooting skills. Maliban pa dito ay isa ring aspiring artist, self-proclaimed at future author si Christina.
Isa sa dalawang anak na dalaga ni Aries Dimaunahan si Christiana, at ang naturang dalaga nga ang nagmana ng angking husay ni Aries sa pagiging isang basketbolista.Maliban sa pagiging isang mahusay na basketball player ni Christiana, ay napansin rin ng mga netizens sa dalaga, ang taglay nitong kagandahan.
Si Aries Dimaunahan ay ikinasal sa dating child star na si Jane Zaleta, na 18-taong gulang lamang ng tuluyan nitong iwanan ang kanyang showbiz career para makapag-pokus sa kanyang pamilya. Biniyayaan ng dalawang magagandang anak ang pagsasama ng mag-asawang Aries at Jane, at ang mga ito nga ay sina Christiana at Chanel.
Samatala, sa naging panayam noon ng PEP kay Jane Zaleta, ay ibinahagi nito na tatlo talaga ang naging anak nila ng asawang si Aries, ngunit sa kasamaang palad, apat na araw pa lamang ng isinilang niya ang kanyang panganay dapat na anak, ay pumanaw na ito dahil sa pagkakaroon ng congenital problem na diaphragmatic hernia. Pinangalanan umano nilang Aristeirre Jared, ang panganay na anak nilang ito.
Dagdag pa nito, isang taon lamang ang lumipas mula ng mawala sa kanila ang panganay na anak, ay ipinagbubuntis at isinilang ni Jane si Christiana, na isang premature baby dahil sa 33-weeks lamang ito ng lumabas. Apat na taon naman ang lumipas bago isinilang ang pangalawang anak nilang babae na si Chanel.
Ibinahagi pa ng dating celebrity mom ang napakagandang relasyon niya sa kanyang mga anak, kung saan ayon sa kanya, hanggang ngayon kahit na mga dalaga na ang mga ito ay siya pa rin ang nag-aasikaso sa mga ito, ultimo mga magiging outfit ng anak. Sa ginagawa niya umanong ito, ay mas nararamdaman niya ang pagmamahal, pag-apprecite at pangangailangan sa kanya ng dalawa niyang anak na babae.
Madalas din umano silang mag-bonding mag-ina, dahil marami silang mga pinagkakasunduan gawin, tulad ng mga ‘kaartehan’ nila sa buhay, mag-coffee-milk tea dates, movie dates, at simpleng pamamasyal sa mall, o kahit pa nga ang pag-grocery shopping ay nagiging bonding din nila.
Proud naman si Jane at Aries sa kanilang dalawang anak, na ngayon ay mga dalaga na nga, dahil sa nakikita nila ang kasipagan ng mga ito sa kanilang pag-aaral. Pareho ng ang mga academic achievers sina Christiana at Chanel simula ng sila ay nasa pre-school pa lang.
Kilalanin Ang Ball Is Life Na Anak Ng Dating PBa Star Na Si Aries Dimaunahan
Source: Viral Pinas News






0 Comments