Nakilala bilang isa sa mga mahuhusay na komedyante sa local entertainment industry ang 50-taong gulang na comedian-actor na si Bayani Agbayani. Sa kanyang pagbibigay aliw at kasiyahan sa mga manonood sa kanyang mga kinabibilangang comedy film, ay talaga namang maraming mga netizens ang kanyang napahalkhak at napatawa.
Halos 25-taon na ngang nagbibigay kasiyahan sa entertainment industry si Bayani Agbayani, at dahil sa kanyang natural na pagpapatawa sa madla, ay talaga namang marami na rin siyang pelikula na kinabilangan, kung saan niya kasama ang mga bigating artista sa showbiz.
Samantala, kung nakilala natin sa telebisyon si Bayani na isang masayahing tao, pereho pa rin kaya ito pagdating niya sa kanilang tahanan, at pagkaharap niya ang kanyang pamilya. Alamin nga natin ngayon, kung paano maging isang asawa’t anak ang comedian-actor na si Bayani Agbayani.
Ang pangalan ni Bayani Agbayani sa tunay na buhay ay Bayani Rogacion Jr. Siya ay halos dalawang dekada ng kasal sa kanyang non-showbiz wife na si Lenlen. At upang hindi umano nila makalimutan ang pangako nila ng pag-ibig sa isa’t isa noong sila ay ikinasal, ay parehong pina-tattoo ng mag-asawa sa parte ilang parte ng kanilang katawan ang araw ng petsa ng kanilang naging pag-iisang dibdib.
Maliban sa pagiging isang mabuting asawa, ay isa ring mapagmahal at responsableng ama si Bayani Agbayani sa kanilang apat na anak ni Lenlen, na sina Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar, at Marian Sabrina.
Tila nga naman pamilyar ang mga pangalan ng mga anak ni Bayani, na hango umano sa pangalan ng sikat at popular Mexican singer-actress na si Thalia, na nakilala sa kanyang mga Mexican series, tulad ng “Marimar”, “Rosalina” at marami pang iba.
Ayon nga kay Bayani, ay ultimate fan ni Thalia ang kanyang asawang si Lenlen, kaya naman lahat ng kanyang mga anak na puro babae, ay hango ang pangalan sa mga popular na karakter na ginagampanan ni Thalia sa mga nagawa niyang mga mexican series.
Sa naging panayam noon ng mag-asawang Bayani at Lenlen sa morning talk show na magandang buhay, ay sinabi ng mga ito, na ang kanilang mga anak ay pinalaki nila sa ordinaryong pamumuhay, mapagkumbaba, at streetsmart citizens.
Maliban pa rito, ay ibinahagi rin ng mag-asawa kung paano nila pinapalaki ang kanilang mga anak, at kung ano ang mga bagay na ginagawa nila upang mas mapalapit sa mga ito, kahit na lumalaki na ang mga ito.
Ayon nga kay Bayani, ang isang magulang ay kinakailangan na marunong magbigay ng “rewards” sa kanyang mga anak, lalo na kung nakagawa ang mga ito ng mga bagay na talaga namang nakaka-proud. Hindi rin umano kinakailangan na manakit ng isang magulang upang bigyang disiplina ang kanyang mga anak, dahil mas tama na ang pagdidisiplina ay gawin sa tamang pamamaraan na mas maintindihan ng bata na mali ang bagay na kanyang nagawa.
Ibinahagi rin ni Bayani, na sa kanilang tahanan, ay hinahayaan nilang mag-asawa ang kanilang mga anak na makipag-kwentuhan sa kanila. Hindi rin umano pinakikialaman o tsinetsek nina Bayani at Lenlen ang social media accounts o cellphone ng kanilang mga anak, upang igalang ang “privacy” ng mga ito.
Silipin Ang Masaya At Punong Puno Ng Pagmamahal Na Pamilya Ng Comedian-Actor Bayani Agbayani
Source: Viral Pinas News






0 Comments