Taong 2012 sa reality talent show na “Artista Academy” kung saan pareho silang itinanghal na grand winners nagkakilala ang Kapamilya actor na si Vin Abrenica at ang 29-taong gulang na aktres na si Sophie Albert.
Hindi nga nagtagal matapos ang kanilang kinabibilangan reality talent show, ay inamin ng dalawa na sila ay magkasintahan na. Ngunit ang relasyon nga nila ay nauwi sa hiwalayan noong taong 2016, kung saan ay sinabi ng dalawa na ang kanilang naging paghihiwalay ay isang mutual decision.
Kung atin ngang babalikan ang naging panayam kay Vin ni Tito Boy noong taong 2016 sa ABS-CBN late-night talk show na “Tonight With Boy Abunda”, kung saan ng mga panahong iyon ay halos kalilipat lamang ng aktor sa ABS-CBN, ay sinabi nito na pareho nilang naging desisyon ni Sophie ang kanilang naging paghihiwalay, ito ay upang makapag-pokus muna umano sila sa kani-kanilang career sa showbiz.
Sa kabila nga ng naging paghihiwalay ng magkasintahan, ay napanatili naman nila ang kanilang pagkakaibigan, kung saan ay may ilang mga larawan pa rin nga na madalas silang nakikitang magkasama na ibinahagi nila sa kani-kanilang social media account.
Noon namang nakaraang taon, ay muling napansin ng mga netizens sa mga larawang ibinahagi ng dalawa sa kanilang social media account ang mas-sweet na samahan na nila sa isa’t isa na tila ng aba nagpapahiwatig na sila’y nagkabalikan na at muling pinagbigyan ang kanilang pagmamahalan.
Samantala, kamakailan nga lamang, sa Tonight With Boy Abunda, ay kinumpirma ng Kapamilya actor na silang dalawa ng dating nobyang aktres na si Sophie Albert ay nagkabalikan na. At ang impormasyon ngang ito ni Vin, ay pinatunayan ng mga sweet na larawan nila ni Sophie sa kanyang social media accounts.
Maliban sa kumpirmasyon ng kanilang pagbabalikan ni Sophie ay ibinahagi rin ni Vin sa nasabing programa ang tunay na kaganapan sa naging paghihiwalay nila ng nobya noon, tatlong taon na ang nakalipas.
“That time we’re having our personal problems including careers. ‘Yong nasasabi sa akin ng mga tao na if you’re in a relationship, hindi ka raw kakagatin ng fans…. Di’ ka na raw magiging available. So ako, hindi ko alam na all throughout, they’re gonna love you for who you are! Tatanggapin ka nila kung sino ka. tapos, I realized na I can’t live without her”, ang naging saad ni Vin.
Sa panayam rin na ito ng King of Talk, kay Vin, ay isang surpresa para sa kaarawan nito ang inihanda ni Tito Boy, kung saan ay isang birthday greeting message mula sa nobya ng aktor na si Sophie, ang binasa nito on-air. At matapos ngang mabasa ni Tito Boy ang sweet birthday greeting message ni Sophie para sa aktor, ay hindi na nga napigilan ni Vin na naging emosyonal at napaluha sa labis na kasiyahan sa narinig na mensahe sa kanya ng nobya.
Vin Abrenica Ibinahagi Kung Gaano Kamahal Ang Kanyang Napakagandang Nobya
Source: Viral Pinas News





0 Comments