Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tingnan Ang Mga Throwback Photos Ng Walang Kupas Na Kagandahan Ni Megastar Sharon Cuneta

Kilala bilang isa sa pinakamahusay na mang-aawit, endorser at actress sa Philippine showbiz industry si Sharon Cuneta, o kilala rin sa kanyang tunay na pangalan Sharon Gamboa Cuneta – Pangilinan. Dahil sa kanyang angking kahusayan sa halos lahat ng larangan, mapa-aktingan man o kantahan, ay tinaguriang siya bilang ang Megastar ng industriya, at halos 4-dekada na nga siya sa nasabing industriya.

Sa loob nga ng mahabang panahon ng pananatili niya sa showbiz, ay talaga namang napakaraming beses ng pinatunayan ni Megastar sa lahat ng mga manonood at ng kanyang mga tagahanga ang kanyang kahusayan bilang isang multi-awarded film actress, record-breaking singer at concert performer.

Hindi nga lamang sa acting at singing mahusay si Megastar, dahil maliban dito ay kilala rin siya bilang top-rated TV host, at isa sa mga kinikilalang highest-paid endorser sa bansa dahil sa dami ng mga produkto ng iba’t ibang mga kumpanya ang kanyang inindorso.

Labindalawang (12) taong gulang lamang si Sharon Cuneta ng siya ay magsimula sa showbiz noong taong 1978, kung saan ay una muna niyang ipinamalas sa lahat ang kanyang husay bilang isang mang-aawit.

Hinangaan naman ng lahat ang natatagong talento ni Sharon, dahil sa likod pala ng kanyang maamo at inosenteng mukha, ay ang nakamamangha niyang tinig kapag siya’y nagsimula ng umawit. Ang una niyang awitin na namangha sa lahat sa ganda ng kanyang tinig ay ang “Mr. DJ.”

Maliban sa pagpapakita ng kanyang talento sa pag-awit ay ipinakita rin ni Sharon sa lahat ang kanyang husay sa pag-arte. Noon ngang dekada 80, ay nagsimula siyang mamayagoag sa larangan ng pag-arte. Ang kanyang kauna-unahang pelikulang ginawa kung saan nadiskubre ng lahat ang husay niya sa pag-arte ay ang pelikulang “Dear Heart”, dito rin niya nakatambal ang aktor na si Gabby Concepcion, na kanya ring naging unang asawa.

Samantala, matapos namang ipinagdiwang ni Sharon ang kanyang ika-18 taong gulang na kaarawan, ay ikinasal siya sa kanyang katambal at nobyong aktor noon na si Gabby Concepcion. Ikinasal sina Sharon at Gabby sa Manila Cathedral noong ika-12 ng Setyembre 1984, ang pag-iibigan ng dalawa ay nabiyayan ng isang supling, at ito nga ay ang kanilang anak na ngayon ay isa na ring aktres na si KC Concepcion.

Nauwi naman sa hiwalayan ang pagsasama nina Sharon at Gabby noong taong 1993, at pagkalipas ng tatlong taon, ay muling ikinasal si Sharon noong ika -28 ng Abril 1996, at sa pagkakataong ito nga ay sa politician ng si Francis Pangilinan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring matibay ang pagsasama nilang mag-asawa.

Sa kabilang banda naman, ay talagang hindi maikakaila ang angking husay ni Sharon Cuneta ilang isang artista, dahil sa ilang dekada niya sa industriya ng showbiz, ay talaga namang bumuhos sa karera niya ang napakaraming proyekto at pelikula.

Maraming mga parangal din ang kanyang nakamit, tulad na nga lamang ng pagiging Best actress sa FAMAS. Noong dekada 90 naman ay naging Box Office Queen at Box Office Hall of Fame siya, dahil sa walang humpay na tagumpay ng mga pinagbibidahan niyang pelikula.

Sa halos 40-taon nga ni Sharon sa industriya ng showbiz bilang isang singer-actress-host, ay nakagawa na ito ng mahigit 50 pelikula, nakapag-host ng 10 TV shows at nagkaroon ng mahigit 40-albums.
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring hinahangaan ng publiko si Mega Star Sharon Cuneta, at katulad nga ng kanyang mga nagawang pelikula na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso’t isipan ng kanyang mga tagahanga, ay nanatili pa rin kay Megastar ang kanyang walang kupas na kagandahan.

Sa ngayon nga ay 56-taong gulang na si Megastar Sharon Cuneta, at kahit na umangat na ang kanyang edad ay mapapansin naman sa kanyang mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account na wala pa ring kupas ang kanyang taglay na ganda. Kapansin-pansin rin na ngayon ay unti-unti ng ibinabalik ni Sharon ang kanyang magandang hubog ng katawan, at ito ay sa pamamagitan ng kanyang ginagawa ng pag da-diet.



Tingnan Ang Mga Throwback Photos Ng Walang Kupas Na Kagandahan Ni Megastar Sharon Cuneta
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments